5,323

By

Bandila ng China, itinarak sa Boracay

Viral sa social media ang nakatarak na Chinese flag sa buhanginan ng Boracay Island na naging hot topic sa Facebook.

Makikita na isang matandang Chinese ang naglagay ng nasabing bandila sa Station 2 sa Boracay.

Burado na ang nasabing post, ngunit muli itong pinalutang ni radio reporter Jan Allen B. Ascaño at dito nagdumugan ang mga Pinoy na nainis sa pagtatayo ng watawat ng mga Chinese sa nasabing isla.

Isa pang larawan na tila nakaabot ang parehong lalaki sa labas ng Balabag Elementary School dala rin ang parehong watawat.


“Kalapastanganan sa ating bansa kabastosan at kababoyan wlang sinu mang dayuhan ang my karapatang apak apakan ang ating bansang sinilangan dapat hinuli sila,” ayon kay Yat’z Sudario.

“Dito mo sa Hongkong iwagayway yang flag mo, sigurado nakahandusay ka sa kalsada na dugoan,” sey naman ni Jur Les.

“Hayup bakit di tangalin yan? Kong ang hongkong nakipag laban kita pa na sa atin yan . Wake up pinoys bago ma huli ang lahat,” giit naman ni Danilo Talam.

Simula nang magbukas muli ang Boracay noong Oktubre ng nakaraang taon, dumami ang mga nagsisulputang Chinese business at mga foreign worker sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?