68
Bandang Jeremiah may reunion concert
Jun 5, 2019 @ 16:58
By

Bandang Jeremiah may reunion concert

Magkakaroon ng reunion concert ang bandang nagpasikat sa kantang “Nanghihinayang”.

Sa kanilang performance sa “It’s Showtime” nitong Miyerkoles, inawit nila ang nabanggit na kanta.

Bumisita sila sa show para anyayahan ang mga manonood sa kanilang “Jeremiah The Reunion Concet” na gaganapin sa Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City sa Hunyo 6.

Maliban sa “Nanghihinayang”, ilan pa sa kilalang kanta ng grupo noong 90’s ang “Bakit Ka Iiyak”, “Oh Babe” at “Hindi Ako Katulad Niya”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?