43

May 21, 2020 @ 14:17
By

Banas sa ‘Last Dance’! Pippen nagngitngit kay Jordan

Unang nainis ay si Horace Grant, ngayon naman ay ang tinuturing na ‘greatest teammate’ ni Michael Jordan ang napaulat na galit sa NBA GOAT.

Ayon sa radio anchor ng ESPN, hindi umano kinaya ni Scottie Pippen ang patama ni Jordan sa kanya sa ESPN 10-part documentary na ‘The Last Dance’.

Nilarawan ni David Kaplan na ‘livid’ at ‘very angry’ umano ang Bulls forward dahil pinalabas siyang malambot na teammate ni Jordan.

Sa episode 2 ay tinawag ni MJ si Pippen na ‘selfish’ dahil sa pagpapatagal ng surgery sa kanyang ankle, kaya’t upo sa maraming laro ng Bulls nong 1997-98 season.

Kasabay pa nito ay ang bahagyan patama ni Jordan nang hindi makalaro ng maayos si Pippen sa Eastern Conference Finals Game 7 kontra sa Pistons dahil sa migraine.

“[Pippen] felt like up until the last few minutes of Game 6 against the Jazz [in the 1998 NBA Finals], it was just ’bash Scottie, bash Scottie, bash Scottie,’ ” paliwanag ni Kaplan sa ‘Kap and Company’ show sa ESPN 1000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?