106

By

Banana Sundae spoof sa pamilya Binay, pinulutan sa social media

“I was shocked and appalled by their skit…not funny. Utterly racist. Anong pinag iisip ng writers at director nila,” ayon kay P’Jeric Hizon.

“Hindi maganda yan, pangungutya na ang ginagawa NG banana sundae. Malinaw na DISKRIMINASYON sa kulay ang ginagawa nila. Hindi nakakatawa ang pagiging maitim, si Martin Luther King ipinaglaban niya ang pagkapantay-pantay NG itim sa puti, tapos itong palabas na ito ay napaka- harsh sa itim,” giit naman ni Macata Udtohan.

“Mga trying HARD sa pagpapatawa ? Hindi naman nakakatawa . Iniinsulto at Binabastos niyo ang Pamilya Binay . #Makatizen . Dapat sa mga yan inaalis sa showbiz . Kagigil ha,” patama naman ni Anthonette Paccarangan.

Ilan lang ‘yan sa mga banat ng mga netizen sa ‘Banana Sundae’ matapos ang episode nito kung saan tampok ang parody kina Makati Mayor Abby Binay at kanyang kapatid na si Junjun Binay.

Sa nasabing spoof, makikita ang ipinintang sobrang itim na make-up sa mukha ng dalawa, gumanap si Sunshine Garcia bilang ‘Ebby’ si Pooh bilang ‘Jojo’ na tila ginaya ang naging away ng dalawang magkapatid sa San Ildefonso Parish.

Napansin naman ng netizen na si Joey Castro Lazaro ang nasabing spoof, na pinuna ang paggamit sa ‘blackface’ bilang katatawanan.

“A skit was shown in Banana Sundae with the intent of having a spoof of the Binay incident that happened last week,” he said. “The show just used black face to portray the Binay siblings including their father, our former Vice President. Dear ABS-CBN, how could you allow such insensitivity to happen? NOT FUNNY AT ALL. #DisappointedButNotSurprised,” ayon kay Lazaro.

Marami ang pumuna sa ABS-CBN dahil sa skit, ngunit may ilan ding nagtanggol dito dahil comedy umano ito at hindi dapat seryosohin.

“Nakakatakot na mag-joke sa panahon ngayon. People nowadays are too serious,” ayon kay Rey Yanto Baguio.

Ang blackface ay nauso noong 80s kung sa America kung saan ginagamit na katatawanan ang maitim na make-up, na naging racist symbol dahil sa mga nararanasang diskriminasyon ng mga Black American noon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?