630
Bam track record ang ipambabala, hindi ang pagiging Aquino
By

Bam track record ang ipambabala, hindi ang pagiging Aquino

Hindi iniinda ni Senador Bam Aquino kung may mga tumutuligsa sa mga Aquino sa social media.

Aniya sa panayam sa ANC, ganoon umano talaga ang buhay, may mga taong sumusuporta at may mga hindi.

Matapos umano ang 2016 ay may effort na siraan ang mga Aquino at hindi lang umano si Benigno Aquino III kundi pati na sina dating Pangulong Cory Aquino at dating senador Ninoy.

Kaya ngayon umano ang panahon para tumindig siya at hindi mangampanya lang bilang Aquino kundi gagamitin niya ang kanyang mga nagawa o track record.

“Ano ba yung nagawa mo na, ano yung gusto mong gawin ulit para sa bayan and to be honest I’d experience such some really warm reception all over the Philippines even more than in 2013. And to think in 2013 nasa administration ako noon ngayon na 2019 na mas mainit yung pagtanggap I think people knows the underdog,” anang senador.

Aminado rin si Aquino na malaking challenge sa kanya na ipaalam sa mga tao ang mga nagawa niya at ipinaglaban niya gaya ng libreng pag-aaral sa kolehiyo dahil hindi umano siya nag-invest sa pagmamalaki sa mga accomplishment niya.

“I’ll be honest hindi kami nag-invest in really talking about our accomplishments maybe there’s a mistake na hindi namin pinagmamalaki lagi yung mga nagagawa namin. But this last year especially nung palapit na palapit na yung campaign we really said okay we have to talk about it,” saad ni Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?