983
Bam lalong ginanahan sa Pulse Asia senatorial survey
By

Bam lalong ginanahan sa Pulse Asia senatorial survey

Magsisilbing inspirasyon umano kay reelectionist Senator Bam Aquino ang pinakabagong resulta ng survey ng Pulse Asia sa senatorial race.

Aniya, lalo umano siyang magpupursigi sa pag-iikot at pag-abot sa mga kababayan upang maipaalam ang mga nagawa niya at patuloy pang gagawin sa Senado para sa kapakanan ng mga ito.

Nitong Biyernes, lumanding sa ika-10 hanggang ika-15 puwesto si Aquino sa 38.5 percent voter preference sa Pulse Asia survey na isinagawa ng Enero 26-31.

Maliban kay Aquino, si dating senador Mar Roxas lang mula sa “Otso Diretso” slate ang sumisipa sa pre-election surveys.

Samantala, nangunguna pa rin sa puso ng mga Pilipino si reelectionist Senator Grace Poe kasunod si Sen. Cynthia Villar, Taguig Rep. Pia Cayetano, Lito Lapid, Senators Nancy Binay, Sonny Angara at Koko Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?