5,747

By

Bam Aquino pasok sa Magic 12 sa official Comelec tally

Nakaentra sa top 12 ng senatorial elections si Otso Diretso bet Bam Aquino sa opisyal na canvassing ng boto ng Commission on Elections.

Sa nasabing listahan, nakakuha ng 2,335,724 na boto si Bam para sa ika-12 na pwesto, habang nasa 14th spot naman si Bong Revilla na may 1,997,438 ng mga boto.

34 sa 167 na certificate of canvass pa lang ang nabibilang ng National Board of Canvassers ganap na alas-9 ng gabi nitong Martes.

Samantala, sa unofficial and partial result naman ng transparency server, pasok si Revilla sa 10th spot, samantalang nasa ika-14th naman si Aquino.

Nasa 96.26% na ang election returns sa transparency server bandang alas-10:25 ng tanghali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?