320
Balutan sinibak sa PCSO dahil sa korapsiyon - Malacañang
By

Balutan sinibak sa PCSO dahil sa korapsiyon – Malacañang

Kinumpirma ng Malacañang ang ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan dahil sa isyu ng korapsiyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dalawa lamang ang pamantayan ni Pangulong Duterte sa mga itinatalaga nito sa mga puwesto sa gobyerno at ito ay maayos na pangangasiwa at pagpapanagot sa mga gumagawa ng kasalanan.

“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte has terminated the services of Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Alexander Balutan on his present post due to serious allegations of corruption,” ani Panelo.

Ang mga hindi aniya makakasunod sa pamantayan ng Pangulo ay mananagot at mapapabilang sa listahan ng mga sinibak na sa gobyerno.

Magsilbi sana aniyang babala ito sa iba pang opisyal ng gobyerno na hindi nakakatugon sa kampanya ni Pangulong Duterte para labanan ang korapsiyon sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?