59

By

Baltazar, Lojera, DLSU pinana ang National U

Sampa sa win column sina Justine Baltazar at ang De La Salle University Green Archers matapos tambakan ang National University Bulldogs, 83-82, Miyerkoles sa second game ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Pinamunuan ni Baltazar ang koponan na may 23 puntos, 10 rebounds, tig-dalawang assist at block, Jamie Orme-Malonzo na nagtala ng 14 puntos, 11 rebounds, isang assist, steal, block at Aljun Melecio na umiskor ng 10 puntos, apat na assist at tig-isang rebound at steal.

Bagamat nakalamang sa ilang quarters ang La Salle, dikdikan ang naging tapatan ng dalawang koponan sa huling yugto, sinalba ni Kurt Lojera via jump shot ang Green Archers para makuha ang panalo.

“I would say, as much as ‘yung outcome ng game today, we were really thinking that coach Jamike (Jarin) would throw out different kinds of defenses and we were kinda prepared for that. One thing we can’t really address at this moment is we’re inexperienced as a team. As you know, we’re a new staff, we’re a new team. When a team like that rattles you a lot, ‘yung familiarity will always be the advantage. ‘Yun ‘yung hahanapin mo eh, ‘yung familiarity sa isa’t isa. It showed in the last quarter na we were rattled good thing we were able to push through,” pahayag ni head coach Gian Nazario

Angat sa 1-1 ang Green Archers samantalang lugmok sa 0-2 ang Bulldogs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?