48

By

Baloyo no show sa unang muling imbestigasyon sa ninja cops

Hindi sinipot ni Police Major Rodney Baloyo ang unang re-investigation ng bagong miyembro ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kontrobersiyang anti-drug raid sa Pampanga noong 2013.

Batay sa abogadong pinadala ni Baloyo na si Atty. Donie Rey Muli, wala nang plano pa si Baloyo na magsumite ng karagdagan pang sinumpaang salaysay habang ito ay nakapiit pa sa Bilibid bunsod ng pagpataw ng contempt ng Senado dahil sa pagsisinungaling.

Humiling naman ang kapwa respondent ni Baloyo na sina Eligio Veleroso at Anthony Lacsamana na makapgsumite pa ng kani-kanilang supplemental documents.

Limang araw naman ang binigay ng panel para sa kanilang isusumiteng karagdagang dokumento, maging sa PNP-CIDG para magsimute ng kanilang karagdagang ebidensiya at ammended complaint sa kaso.

Sa susunod na Lunes, Oktubre 21, 2019 sa ganap na alas-diyes ng umaga, itinakda ng Panel ang susunod na pagdinig sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?