53

By

Balkman, Alab tiniris ang Hong Kong

Nananatiling mainit ang San Miguel Alab Pilipinas matapos daigin ang Hong Kong Eastern 96-81 sa 2019 ASEAN Basketball League Biyernes sa Southern Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.

Muling umariba si Renaldo Balkman nang tumapos ng game-high 32 puntos, tig-apat na rebounds at assists at tatlong blocks para tulungan ang tropa sa seventh straight win.

Mas gumanda ang laro ng dating NBA player sa fourth period nang humarabas ng 10 puntos at dinomina ng tropa ang Hong Kong 23-10 matapos nitong lumamang ng dalawang puntos sa pagtatapos ng third quarter.

Bukod kay Balkman, umalagwa rin si Ray Parks, Jr. na may 23 puntos habang may 11 puntos at 14 rebounds naman si PJ Ramos para tulungan ang Alab iangat sa 13-2 win-loss record ang kanilang baraha.

Si Balkman ang pinakamabilis na manlalaro na nakatungtong sa 1,000-point club sa kasaysayan ng ABL.

Bumandera naman para sa Hong Kong si O’Darien Bassett na may 24 puntos at si Sam Deguera na may 20 puntos at 16 na rebounds at dulas ito ngayon sa 11-9 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?