31

By

BaliPure butata kina Morado, Valdez

Ratsada si setter Jia Morado, tinulungan ang Creamline Cool Smashers sa 25-19, 25-18, 25-23 pagwalis sa BaliPure Water Defenders sa pagpapatuloy ng elimination round ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.

Namuno sa distribution ng opensa si Morado na may apat na puntos at 19 excellent sets.

“At the end of the day, it boils down to our chemistry,” saad ni Morado.

Winalis ng Cool Smashers ang kalabang koponan sa pangunguna ni Alyssa Valdez na may 16 points, 12 mula sa atake at apat mula sa service ace.

Angat sa 4-1 win-loss record ang Creamline samantala wala pang panalo ang Water Defenders sa lima nitong laban.

“For me, hindi naman maiiwasan na maging complacent after getting two sets. Dun sa two sets na ‘yun, I guess most ng players napasok din ni coach Tai (Bundit), napaikot niya yung players.” Pahayag naman ni Valdez.

Hataw rin para sa sa Creamline si Thai import Kuttika Kaewpin na may 11 puntos na ambag.

Makakatapat ng Cool Smashers para sa kanilang second round opener ang BanKo Perlas Spiker sa Sabado, Hunyo 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?