392

By

Balik bilang head coach! Nash Racela bagong armas ng La Salle

Sasandig ang De La Salle University sa kanilang alumna para maibangon ang kanilang programa.

Makalipas ang apat na taon buhat nang maging tactician ng FEU, balik sa UAAP si Nash para maging head coach.

Naging matagumpay si Racela sa UAAP, nakasungkit ng kampeonato noong Season 78 sa pangunguna ni Mac Belo.

Bago mawala sa sirkulasyon ay naging coach ng PBA si Nash, giniya pa ang TNT KaTropa sa Finals stint noong 2017.

Ngayong season ay nagsilbing assistant coach si Nash para sa kanyang kapatid na si Olsen sa FEU.

Mananatili naman sina Jermaine Byrd at Gian Nazario, ang dalawang nagsilbing tactician sa DLSU, sa kanilang coaching staff.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?