331

By

Balik-alindog! Giant tilapia nabingwit sa Pasig River

Senyales ng malinis na ilog ay ang pagkakaroon ng isda dito, at tila ito na ang pinatutunguhan ng dating maruming Pasig River.

Sa post ng Pasig River Rehabilitation Commission – PRRC, ibinida ang pagkakahuli ng isang malaking tilapia na may habang 20.5 inches at may timbang na abot tatlong kilo.

Nahuli ang tilapia sa Estero de San Miguel sa Maynila na parte ng Pasig River nitong Huwebes.

“Tunay ngang nakikita na natin ang positibong pagbabago ng ating mga ilog dahil sa pagtutulungan natin na buhayin at pangalagaan ang mga ito,” ayon sa post.

“Ipagpatuloy natin ang mga mabubuting gawain na ito at tiyak na bibiyayaan tayo ng ating kalikasan!” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?