73

By

Baldwin takot! UST ilalampaso ang Ateneo – CJ Peralta

Nagdadasal na ang mga taga-Ateneo na matalo ang UST sa UP – ayon ‘yan kay Chief Justice Diosdado Peralta.

Si Peralta ay isang true-blooded Tiger, nagtapos ng Law sa nasabing unibersidad at namayagpag bilang abogado.

Ngunit bukod sa batas, mahilig din pala ang punong mahistrado sa basketball, updated sa happenings kung saan maghaharap ang UP at UST sa semis match para makaharap ang Ateneo.

Saad niya, wala umanong tsansa ang UP sa koponan pinangungunahan nina Soulemane Chabi Yo, Rhenz Abando, CJ Cansino at Mark Nonoy, at kahit ang undefeated team na Ateneo ay wala rin umanong binatbat sa UST.

“The Ateneans are praying that the Growling Tigers will lose eh. Kasi ang mga taga-Ateneo takot sa UST. Sinabi ni coach Baldwin eh during the first game. Sinabi niya na itong UST, dark horse ito. Sabi niya. Tigre nga eh. Eh UP Maroons, sa kulay lang naman yan eh,” ayon kay Peralta.

“Sa championship, ang maglalaban ang Ateneo-UST? Sa tingin ko lalampasuhin nila Ateneo eh.”

Sa Linggo na gaganapin ang salpukan ng UST at UP habang naghihintay na sa Finals ang Ateneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?