57
Baldo pinataob ng dating vice mayor sa Daraga
By

Baldo pinataob ng dating vice mayor sa Daraga

Nagwagi sa mayoral race sa bayan ng Daraga, Albay si Victor Perete.

Nakahakot ng 24,616 votes si Perete sa may 107 clustered precincts sa naturang bayan.

Nilampaso niya ang mga kalaban na sina Gertrudes “Gertie” Batocabe, biyuda ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe (19,859 votes) at nakakulong na alkalde na si Carlwyn Baldo (16,564 votes).

Nagsilibing acting mayor si Perete matapos sumuko si Baldo, na inakusahang mastermind sa pagpatay kay Batocabe noong nakaraang taom
Samantala, idineklara namang vice mayor si Jungie Jaucian. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?