261
Baldo pangatlo sa Daraga, Albay mayoralty race
By

Baldo pangatlo sa Daraga, Albay mayoralty race

Pumwesto lang sa ikatlo si incumbent Daraga, Albay mayor Carlywn Baldo, nangunguna si acting mayor Victor Perete sa partial tally.

Ito ay ayon sa election officer ng Daraga sa 50 porsyento na ang na-transmit sa probinsya ng Daraga.

May 17,018 boto si Perete, sinundan ni Gertrudes Duran-Batocabe, ang misis ng napaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, na may 13,166 vote. Nakakuha naman si Baldo ng 11,081.

Matatandaan na kinasuhan si Baldo ng two counts ng murder sa pagpaslang kay Batocabe noong Disyembre, naglabas na ng warrant ang Legazpi RTC at sukang sumuko si Baldo at hindi na nakaboto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?