37

By

Balasahan sa NAIA itinanggi ni Digong

Itinanggi ni Pangulobg Rodrigo Duterte na magpapatupad ito ng balasahan sa mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ambush interview sa Pangulo sa Malabang, Lanao del Sur sinabi nitong wala siyang planong magpatupad ng rigodon sa NAIA.

Taliwas ito sa inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo noong Martes kaugnay sa mga napag-usapan sa Cabinet meeting.

Ayon sa Pangulo, sinusubukan pa niyang malutas ang problema sa NAIA at hindi basta-basta magpapatupad ng pagbalasa sa hanay ng mga opisyal.

“Wala. I am still trying to sort out the problem,” ang maiksing sagot ng Pangulo.

Matatandaang sorpresang bumisita ang Presidente sa NAIA Terminal 2 noong Lunes ng madaling-araw matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa maramihang kanselasyon at delay ng mga biyahe ng eroplano.

Ipinaliwanag ng naka-duty na mga opisyal na kaya kinansela ang ilang flights ay dahil sa malalakas na kulog at kidlat na naranasan noong Linggo ng gabi na delikado umano para sa mga eroplano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?