72

By

Balangiga Bells naibalik na sa Pilipinas

Naibalik na sa bansa ang Balangiga Bells makalipas ang 117 taon matapos kuhain ng mga sundalong Amerikano mula sa simbahan ng Eastern Samar upang gawing war booty.

Lumapag ang US military plane sa Villamor Air Base sa Pasay City ganap na 10:30 ng umaga, Martes.

Matatandaang sa 2017 State of the Nation Address ng Pangulong Duterte ay sinabi nito sa US na ibalik ang 3 bell.

Agad na kinonsidera ng US ang hiling ng Pangulo upang mapaigting ang samahan ng dalawang bansa.

Pormal na i-tu-turnover ang mga bell sa Philippine authorities ngayong Martes ng hapon sa isang ceremony na pangungunahan nina National Defense Secretary Delfin Lorenzana at US Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?