79

May 23, 2020 @ 13:36
By

Bakuna ng China vs COVID, tinurok na sa tao

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinubukan na sa tao ang COVID-19 vaccine na gawa ng CanSino Biologics Inc sa China.

Ayon sa medical journal na The Lancet, sa unang human trial ng nasabing bakuna ay lumalabas na wala namang masamang epekto sa katawan ang nasabing bakuna, at gumaganda pa ang reaksyon ng antibody kontra sa new coronavirus.

Sa 108 blood sample na kinuha sa mga tinurukan ng bakuna, nakita ang pagkakaroon ng antibody at T-cell response sa mga dugo pangontra sa COVID-19.

“These results represent an important milestone. The trial demonstrates that a single dose of the new adenovirus type 5 vectored COVID-19 (Ad5-nCoV) vaccine produces virus-specific antibodies and T cells in 14 days, making it a potential candidate for further investigation,” ayon kay professor Wei Chen ng Beijing Institute of Biotechnology.

Bagama’t maganda ang resulta, kailangan pang pag-aralan kung sapat na ba ang mga antibody para malabanan ang COVID-19 at maituring na immune sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?