161

By

Bakit nga ba? Pag-blur sa mata, address ni Jiro Manio kinuwestiyon ng mga netizen

Pinagtaka ng mga netizen ang litrato ni Jiro Manio na inilabas ng isang online website kung saan naka-blur ang mga mata ng dating child actor maging ang address nito.

Ayon kay @Doc4Dead, ano raw ang point para labuan ang mga mata at address ni Jiro samantalang kalat na ang balita tungkol sa pananaksak nito sa Marikina City noong Biyernes ng gabi.

Sabi naman ni @yupitachica, hindi na rin menor de edad si Jiro para takpan ang pagkakakilanlan nito.

Naaresto si Jiro matapos umanong manaksak ng lalaki sa isang away sa Brgy. San Roque sa Marikina City alas-7:20 ng gabi noong Enero 17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?