3,354

By

Bakit hindi si Nadine Lustre? – mga netizen sa bagong Darna

Matapos ang matagal na paghihintay, inanunsyo na ang gaganap na susunod na Darna sa reboot ni Direk Jerrold Tarog.

At taliwas sa hinala ng karamihan, hindi si Nadine Lustre ang natapik bilang susunod na Pinay heroine.

Si Star Magic artist Jane de Leon ang gaganap na bagong Pinay classic, isang bagong mukha na nakilala noon bilang Maggie sa Kapamilya drama na ‘Halik’.

Sa social media, marami ang nagtaka kung bakit hindi si Nadine ang napili gayong bagay na bagay daw ito sa nasabing role.

Depensa naman ng iba, hindi talaga maibibigay kay Nadine ang role dahil hindi naman ito nag-audition para sa Darna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?