89

By

Bakit ako matatakot? – Sotto sa posibilidad na agawin ni Enrile ang kanyang posisyon

Hindi nangangamba si Senate President Tito Sotto III kung sakali mang muling mahalal si Juan Ponce Enrile sa Senado.

“Why will I be threatened now?” ayon kay Sotto.

Naniniwala ang mambabatas na may maitutulong si Enrile sa Senado, at imbis na katakutan ay dapat tanggapin kung sakaling muling pumasok sa upper Chamber.

He will be an asset in the Senate if he will be elected back to the Senate. If my colleagues would like to elect him as Senate President, I have no problem with that,” ani mambabatas.

Matatandaan na inihain ni Enrile ang kanyang kandidatura sa pagka-senador para sa 2019 polls, na kapag nahalal ay magiging pinakamatandang senador sa edad na 94.

“I serve only at the pleasure of my colleagues and any Senate president serves only at the pleasure of his colleagues in the majority,”dagdag pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?