2,190

By

Bakit ako magko-concede? Erap hindi makapaniwalang olats

Hindi makapaniwala si reelectionist Mayor Joseph “Erap” Estrada na natalo siya ni Isko Moreno sa pagka-alkalde sa lungsod ng Maynila.

Aniya, hindi siya makapaniwala na maging sa sarili niyang barangay ay hindi siya nanalo kahit na sa mga nagdaang survey ay nangunguna umano siya.

Hindi pa umano siya magcoconcede dahil naniniwala siyang prinoject siya ng kalaban.

“Bakit ako magko-concede? Talagang prinoject ako. Lahat ng survey from the start panalo ako. Tapos ngayon biglang si Isko nanalo,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?