131

By

Baka manuwag! Speaker na hindi PDP-Laban, delikado – Pacquiao

Mapanganib umano kung hindi magmumula sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang uupong House Speaker sa 18th Congress sa Hulyo, ayon kay Senador Manny Pacquiao.

“It’s dangerous. He might clash with the President,” paliwanag ni Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, kabilang sa kinokonsidera sa pagpili ng Speaker ay ang loyalty sa Pangulo.

“Ang tinitingnan natin dito baka mamaya last two years or last one year before elections baka susuwagin na ang Pangulo natin. Dapat tuloy-tuloy hanggang sa matapos. Maganda naman ang programa ng Pangulo,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Pacquiao, target nilang makapili ng nominee sa speakership bago siya umalis sa Sabado para sa boxing match sa Amerika.

Ikokonsulta rin umano nila kay Pangulong Duterte ang napili nilang nominee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?