278

By

Baka ‘di mabayaran sa endorsement! Mimiyuuuh hindi namimigay ng iPhone

Itinanggi ng social media star na si Mimiyuuuh ang kumakalat sa Twitter na namimigay siya ng brand new iPhone.

Saad ng Youtube sensation, na ngayon ay boses na rin sa traffic app na Waze, hindi totoo ang promo na kumakalat sa social media na magbibigay siya ng nasabing phone lalo na’t endorser siya ng ibang cellphone brand.

Biro pa niya, baka hindi siya mabayaran ng ine-endorse na cellphone brand kapag nagbigay siya ng ibang phone.

“HINDI PO AKO NAMIMIGAY NG IPHONE KASI UNA SA LAHAT OPPO PO ANG INEENDORSE KO! AYOKO PONG HINDI MABAYARAN NG OPPO!! XHNZ!” sey ni Mimiyuuuh.

Ito’y matapos na magpakalat ang isang fake account ni Mimiyuuuh na may papremyo umanong iPhone 11 sa kanyang mga follower.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?