78

By

Bahay ni Miley Cyrus, nasunog sa wildfire

Nagawa pa ring ipagdiwang ni Miley Cyrus ang kanyang 26th birthday sa kabila na nawalan ito ng bahay sa wildfires na naganap sa California nitong buwan.

Natupok ng apoy ang mamahaling Malibu property nila ng fiance na si Liam Hemsworth sa Woolsey Fire – isa sa dalawang wildfires na kumitil ng nasa 87 katao kung saan mahigit 500 pa ang nawawala.

Sa larawang ipinoste ng kanyang ama na si Billy Ray Cyrus sa Instagram, makikita ang Wrecking Ball hitmaker na nakangiti kasama ang kanyang pamilya at si Liam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?