4,062

Dec 21, 2019 @ 20:01
By

Bagyong Ursula posibleng magpaulan sa Pasko

Magiging maulan ang darating na Kapaskuhan, ayon sa PAGASA.

Nagbabala ang weather bureau sa Visayas at Mindanao na maghanda sa pagtama ng bagyong Ursula sa bisperas ng Pasko.

Huling naispatan ang bagyo sa layong 1,810 kilometro silangan ng Mindanao nitong Sabado ng hapon. Papasok ito ng bansa sa Linggo o Lunes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 70 kph.

Simula Martes, Disyembre 24, makararanas ng bahagya hanggang sa malakas na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

Magiging maulap naman na may tsansa ng ulan o thunderstorms ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?