343

By

Bagyong Tisoy hindi pina-stop ni Quiboloy dahil sa mga basher

Hindi pina-stop ni Pastor Apollo Quiboloy ang pananalasa ng bagyong Tisoy sa bansa dahil pihado raw na marami na namang magagalit sa kanya.

Sa kanyang Facebook post noong Disyembre 5, sinabi ni Quiboloy na noong pina-stop niya ang lindol ay marami ang nagalit.

Baka raw kapag pina-stop naman niya ang bagyo ay magalit na naman sa kanya ang mga tao.

“Kasi ‘yung in-stop ko ‘yung earthquake nagalit man sila. Binasa ko ng napakarami. So baka i-stop ko ‘yung bagyo baka magalit na naman. So pinabayaan na lang natin. Mag-pray na lang tayo na ‘yung bagyo lumagpas na lang,” saad ni Quiboloy.

Nalilito na rin daw siya kung ano ang gagawin kasi kapag pina-stop niya ay nagagalit, kapag hindi naman pina-stop ay nagagalit din sa kanya.

“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi pag pina-stop mo magagalit. Kapag hindi mo pina-stop nagagalit din,” himutok niya.

Aniya, manalangin na lang daw ang lahat na kahit may kalamidad na nangyayari ay maging handa ang bansa at bigyan ng proteksyon ng Diyos.

Dagdag pa niya, tulungan na lang ang mga nasalanta ng bagyo.

Magugunitang nag-viral noon ang pahayag niya na dapat magpasalamat sa kanya ang lahat dahil pina-stop niya ang lindol sa Mindanao kundi ay marami ang mamamatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?