55

Bagyong Perla labas na ng PAR

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Perla (Neoguri) kaninang alas-singko ng hapon.

Binalita ito sa Twitter ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ngayong Linggo, Oktubre 20, 2019.

Ilalabas ng Pagasa ang pinal na Severe Weather Bulletin tungkol sa tropical cyclone mamayang alas-onse ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?