780

By

Bagyong Jenny lumakas, Signal No. 2 itinaas sa ilang lugar

Lumakas bilang tropical storm ang bagyong Jenny nitong Martes.

Bunsod nito, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Isabela, Aurora at Quirino.

Nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang Cagayan, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, hilagang parte ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands, Cavite, Laguna, Camarines Norte, northeastern portion ng Camarines Sur at Catanduanes.

Batay sa 11 a.m. weatehr forecast ng PAGASA, huling namataan si “Jenny” sa 360 kilometro ng silangan ng Daet, Camarines Norte.

Posible umanong mag-landfall ang bagyo sa Aurora sa Martes ng gabi o Miyerkoles.

May lakas ito ng hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugsong 80 kph. Gumagalaw ito sa bilis na 25 kph pa-northwest.

Makararanas ng bahagya hanggang sa malakas na ulan sa Bicol Region, Samar Provinces, Quezon, Rizal, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan habang light to moderate with intermittent heavy rains naman ang aapekto sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon at Visayas at Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Bangsamoro Region. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?