1,080
Bagyong Chedeng Signal No. 1 na sa Davao
By

Bagyong Chedeng Signal No. 1 na sa Davao

Itinaas na sa signal no. 1 ang bagyo sa Davao Oriental ilang oras matapos na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical depression na si Chedeng.

Saad ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Association (Pagasa), ayon sa available data nitong alas-4 ng hapon ay huling namataan ang bagyo sa 830 km east ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Nagdadala ito ng sustained winds na 45 kilometer per hour malapit sa sentro.

Ang Chedeng ang ika-3 tropical cyclone ngayong 2019 at namataan itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 25kph.

Una nang sinabi ng Pagasa na maglalandfall ang Chedeng sa eastern coast ng Davao Oriental sa pagitan ng Lunes ng gabi at Martes ng umaga.

Samantala maaari naman umanong humina ang bagyo at maging low pressure area bago makarating sa baybay dagat.

Inaasahan naman ang moderate to heavy nap ag-ulan sa ilang bahagi ng Davao Oriental at Surigao del Sur sa Lunes at ibang bahagi ng Mindanao sa Martes.

Maaari ring itaas ang signal no.1 sa Davao del Norte at Compostela Valley sa susunod na update ng Pagasa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?