125
Bagyong Chedeng papasok ng PAR sa Sabado o Linggo
By

Bagyong Chedeng papasok ng PAR sa Sabado o Linggo

Naging ganap nang tropical depression ang low pressure area na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa 1,910 kilometro silangan ng Mindanao.

May lakas ito ng hangin na 45 kph at pagbugsong 60 kph.

Gumagalaw ito sa bilis na 20 kph pa-kanluran.

Sakaling pumasok umano ang tropical depression sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga ay tatawagin itong bagyong “Chedeng”.

Asahan umano ang kalat-kalat na pag-ulan sa mga lalawigan na nasa eastern section ng Mindanao sa Lunes at Martes dahil sa weather disturbance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?