146

By

Bagyong ‘Amang’ magpapaulan sa Surigao Del Norte

Patungo na ang tropical depression Amang sa Surigao Del Norte at inaasahang magla-land fall sa Siargao Islands ngayong araw, January 20 ng hapon.

Ayon sa weather bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), mula ngayong araw ay asahan ang malakas na pag-ulan sa Caraga, Northern Mindanao, Compostela Valley, Davao Oriental, Eastern Visayas, Central Visayas, Bicol Region, Southern Quezon, Marinduque at Romblon.

Pinapayuhan ng Department of Science and Technology (DOST) at Pagasa ang publiko na umantabay para sa mga susunod pang anunsyo hinggil sa bagyong Amang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?