157
bryan-bagunas

Bagunas inakay ang NU Bulldogs sa finals

Umiskor ng 29 puntos si Bryan Bagunas para pangunahan ang National University sa pagsagasa sa University of Santo Tomas, 25-13, 25-13, 31-29 at makuha ang kanilang sunod na final appearance sa UAAP Season 80 men’s volleyball tournament sa MOA Arena.

Hihintayin na lamang ng top seed Bulldogs ang mananalo sa Far Eastern University at Ateneo sa kanilang do-or-die match sa Miyerkules sa The Arena sa San Juan.

Napuwersa ng Ateneo ang Game 2 kontra second seed FEU matapos manalo noong Sabado sa limang sets. Kumana si Marck Espejo ng league record 55 puntos para sa panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?