65

Feb 21, 2020 @ 14:13
By

Baguilat: Nagsusulong ng ‘balimbing’ ban, mga dating LP

Binanatan ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr. ang mga nananawagan na ipa-ban ang mga balimbing sa Kongreso.

Nangunguna sa sumusuporta sa “balimbing” ban si House Deputy Speaker Johnny Pimentel, na miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), dahil sa paglilipat-bakod ng kanilang mga kaalyado.

“I think it’s about time that we should stop the practice of political butterflies. We have seen the culture of Philippine politics. Politicians have the propensity to change parties for expediency. Whoever is the power that be, kung ano’ng partido niya eh doon po tayo pumupunta,”pahayag ng Surigao del Sur 2nd District congressman.

Inihayag ito ni Pimentel sa pagdinig ng House committee on constitutional amendments noong Pebrero 19, dalawang linggo matapos apat na miyembro ng partido nilang PDP-Laban ang naglipatan ng partido.

“So ang nangyayari po dito eh nakakahiya na. Dapat eh matapos na ‘yung panahon ng mga balimbing. Hintuin na natin itong ugali na wala tayong mga prinsipyo, wala tayong pinapanindigan,” dagdag pa ni Pimentel.

Reaksyon naman ni Baguilat, iyong mga nagtatawag ng “balimbing” ban ay mga dating Liberal Party (LP) member.

“Ah yung mga dating nagtatawag ng balimbing ban e mga dating LP naman. Hehe,” tweet ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?