1,484
Bagong uri ng sardines, nadiskubre sa Manila Bay
By

Bagong uri ng sardines, nadiskubre sa Manila Bay

Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Oceana in the Philippines na ipatigil ang lahat ng reclamation project na nakalinya sa Manila Bay matapos madiskubre rito ang bagong species ng sardines.

Ayon kay Oceana in the Philippines Vice President Atty. Gloria Estenzo, ang pagkakadiskubre sa Sardinella pacifica ay isang pagpapatunay na ang ecosystem sa Manila Bay at iba pang bahagi ng bansa ay hindi pa namamatay.

Sa lumabas na peer-reviewed journal article, nangolekta ng samples sa Manila Bay, Quezon, Sorsogon, at Samar sina Japanese taxonomists Harutaka Hata at Hiroyuki Motomura kung saan nadiskubre ang

natatanging katangian mula sa iba pang sardine species, kaya nabatid na may bagong uri ng sardines sa Pilipinas.

Bunga nito, nanawagan si Estenzo sa pamahalaan na ipatigil ang mga reclamation project sa Manila Bay para maisalba ang saganang ecosystem dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?