161

Bagong teleserye ni Angel Locsin kaabang-abang

Excited ang mga fan sa nalalapit na pagsisimula ng bagong teleserye ni Angel Locsin na pinamagatang ‘The General’s Daughter’.

Trending sa social media ang #TGDMediaday na nagbibigay paalala sa mga fan na nalalapit na ang araw ng pag-ere ng naturang teleserye.

Maraming bigating artista na makakasama si Angel Locsin sa TGD kabilang na si Albert Martinez na gaganap sa karakter ng ama ni Locsin.

Makakatambal niya sa palabas sina Paulo Avelino at JC De Vera.

Eere ang The General’s Daughter sa darating na January 21. (Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?