122

By

Bagong lanes sa SLEX bubuksan na sa Disyembre 1

Gagaan ang trapiko sa South Luzon Expressway (SLEX) simula Disyembre 1 pagkabukas ng ikatlong lane sa Skyway at 2-lane ramp na kokonekta sa Alabang Viaduct sa Skyway.

Sabi ni San Miguel Corp. (SMC) president and COO Ramon Ang, limang lanes ang magagamit ng mga northbound na sasakyan sa SLEX sa rush hour kahit na full blast pa rin ang construction sa Skyway Extension project.

“Motorists will be able to use the original three lanes at the at-grade section, plus 2 more lanes at the elevated section,” sabi ni Ang.

Ayon sa SMC, naging posible ito dahil ni-reconfigure ng kompanya ang unang bahagi ng elevated Skyway galing Alabang-Zapote Road para maging tatlong lane.

Tinanggal ang mga barrier sa gitna kaya’t nadagdagan ang dating dalawang lane.

Ngayon, depende sa bigat ng traffic, may isa o dalawang lane na available na sa mga sasakyang manggagaling sa Alabang-Zapote Road.

Sa gabi kapag mas mabigat na ang southbound traffic, maaaring gamitin ang dalawang lanes o lahat ng lanes para sa mga southbound na sasakyan.

At dahil magkakaroon na ng bagong rampa sa elevated section, hindi na masyadong maaapektuhan ang northbound traffic na manggagaling sa Alabang-Zapote Road.

“With the Dec. 1 openings on track, SMC is delivering on its promise to reopen the third lane of the at-grade Skyway before the holiday rush, and improve Alabang traffic by adding new lanes,” dagdag pa ng kompanya.

Babala ni Ang, baka magkaaberya pa rin sa umpisa habang nasa panahon pa ng adjustment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?