342

May 23, 2020 @ 22:20
By

Bagong barkong pandigma ng ‘Pinas dumating na

Nai-deliver na sa Pilipinas ang pinakabago at pinakamalakas na barkong pandigma nito na BRP Jose Rizal.

Ayon sa Philippine Navy, dumaong sa Subic Bay, Zambales nitong Sabado ang BRP Jose Rizal matapos ang limang araw na paglalakbay mula sa Ulsan, South Korea.

Ang 2,600-ton vessel, na may maximum speed na 25 knots, ang kauna-unahang guided missiles frigate ng Philippine Navy.

Idineliver ng South Korean shipbuilder na Hyundai Heavy Industries (HHI) ang una sa dalawang barko na inorder ng Pilipinas noong Oktubre 2016 na nagkakahalaga ng P16 bilyon.

May sakay itong 31 Korean crew at 61 Philippine Navy sailors.

Gagamitin ang BRP Jose Rizal bilang pandepensa ng bansa sa mga teritoryo nito.

Sabi sa ulat ng Naval News, nilagyan ng HHI ang barko ng mga anti-COVID-19 supplies gaya ng 20,000 mask; 180 bote ng disinfectant; 2,000 bote ng hand sanitizer at 300 packs ng sanitizing wipe bilang pasasalamat sa Pilipinas sa tulong nito sa Korean War.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?