319

By

Bago magretiro, Albayalde pwede pang linisin ang kanyang pangalan – Lacson

Maari pa naman umanong malinis ni Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde ang kanyang bago siya magretiro kung mapapabilis nito ang reinvestigation na November 2013 buy-bust operation na kinasasangkutan ng kanyang dating mga tauhan.

“Ang remaining 34 days, is not too long to make amends,” pahayag ni Senador Panfilo Lacson sa panayam sa dzMM.

“Ang unang dapat ipakita niya para mawala ang duda na ang kaso nina [Police Major Rodney] Baloyo ay mayroon siyang kinalaman sa pagtakip man lang, dapat kung pwedeng itong remaining 30-plus days ipakita niyang mabilis maresolba ang reinvestigation na isinasagawa,” dagdag pa nito.

Si Albayalde ay nakatakdang magretiro sa Nobyembre 8.

Ayon kay Lacson, kumpleto naman ang ebidensiya laban sa tinaguriang “ninja cops” kaya madaling matatapos ang reinvestigation sa mga ito.

“Tutal wala nang masyadong ebidensyang kailangan doon, naroon lahat na dokumento. Madaling i-decide kung nagsinungaling ba si Baloyo at totoo bang 10 a.m. at hindi 4 p.m. ang operation,” sabi ni Lacson.

“Totoo bang ang mga SUVs ginawa ng deed of sale sa kanila? Totoo bang may perang nakuha roon? Totoo bang 200 kilos ang shabu? Nariyan na lahat na dokumento, re-review-hin na lang eh,” sambit pa nito.

Kung muling makakasuhan ang 13 pulis Pampanga, maalis na ang espekulasyon na pinagtatakpan ni Albayalde ang dati niyang mga tauhan.

“So ‘yan man lang maipakita niya para maialis ang pagdududa man lang sa kanya dahil medyo sa totoo lang ako mismo nagkaroon ng kaunting pagdududa sa kanya dahil although iba ang duda, iba ang ebidensya, unless may isang magsalita o si Baloyo mismong magsabi na totoo yan at kasama namin si Col. Albayalde at the time, ibang usapin ‘yan,” ani Lacson.

Sabi pa ng senador, sa ngayon aniya’y puwede akusahan ng kahit ano si Albalyde kaya ang pinakamainam na maipakita nito na hindi niya pinoprotekhan ang mga dati niyang mga tauhan.

“Pero sa ngayon hindi natin pwede akusahan si Gen. Albayalde na siya kasangkot dito o siya nagtakip dito. At ang pinakamagandang pruweba para maipakita niyang talagang hindi niya pinoprotektahan sina Baloyo, madaliin niya bago siya mag-retire,” ani lacson.

“Madaliin niya ang pag-review ng kaso at pag-reinvestigate at bigyan ng karampatang parusa ang katulad sa binigay ng parusa sa original decision na dismissal at may criminal case na dapat harapin na talagang hinaharap nila,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?