848

By

Bagitong kongresista nag-sorry sa sinapak na waiter

Humingi ng paumanhin si Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos sa ginawang pagsapak sa waiter na si Christian Kent Alejo sa isang restoran sa Legazpi City, Albay.

Nag-viral ang kuha ng CCTV ng pananakit ni Delos Santos.

Mapapanood sa video ang paglapit ng waiter sa mesa ni Delos Santos at apat pang kasamang lalaki nito pero maya-maya, biglang sinuntok ng kongresista ang una.

Sa isang interview sa dzmm, inamin ni Delos Santos na siya ang nasa video at humingi ito ng paumanhin sa nangyari.

Hindi umano niya nakontrol ang sarili matapos marinig na bumulong ang waiter nang sabihin niyang ayusin ang paglalagay ng placemat sa mesa nila.

Alam umano niyang mali siya sa kanyang ginawa.

“Gusto ko lang mag-apologize lalo na sa iyo at sa iyong pamilya sa ginawa ko, sa sambayanang Pilipino, pasensiya na po at na-fail ko po ‘yung sarili ko bilang public servant. I have no excuse only regret,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?