75

Feb 11, 2020 @ 11:54
By

Bagay ang kontrabida sa Miami! Butler nire-recruit si Embiid

Kung ayaw ng mga Philadelphia 76ers fan kay Joel Embiid dahil sa ugali nito, may paglalagyan umano ito sa Miami.

Nag-post sa Instagram si Embiid na tila patama sa mga fan mula sa quote ni Harvey Dent sa The Dark Knight.

“You either die a hero or live long enough to become a villain,” saad ng Cameroonian center.

Ito’y kasunod ng pagsenyas niya na tumahimik ang crowd at may sinabi pang hindi nagustuhan ng mga Philly fan.

Dito na sinunggaban ni Jimmy Butler ang pagkakataon para makumbinsi si Embiid na may alam siyang lugar kung saan bagay ang mga kontrabida.

“I know a place where villains are welcome,” sey ni Jimmy na patungkol sa Miami.

“Damn right my brother,” tugon naman ni Embiid.

Dati nang naging magkakampi ang dalawa sa Sixers, at nang malipat sa Miami ay sinabi ni Embiid ay sana’y nanatili silang magkakampi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?