49

By

Bagal ng internet ‘di sagabal sa ginto

Kilala ang Pilipinas bilang isa sa bansang may mabagal na internet.

Sa pag-aaral ng ‘seasia.co’, nasa rank 97 ang `Pinas mula sa 207 bansa kung pag-uusapan ang bilis ng wifi.

Pero sa kabila nito’y umusad pa rin ang bansa sa esports kung saan sa unang pagkakataon ay tayo pa ang host sa ginaganap ngayong 2019 SEA Games.

Bagama’t paminsan-minsang nagkakaroon ng ‘lag’ o delay sa laro ‘di naman ito naging hadlang sa SIBOL o Philippine national esports team upang asintahin ang medalyang ginto sa SEAG.

“Basically para sa amin kasi ‘di naman magiging harang yun [ang pag-lalag o delay sa game],” pahayag ni Ren Vitug sa panayam ng Abante TNT. “Kung gusto mo talaga yung isang bagay, kukuhanin mo kahit anong magiging hadlang eh.”

Aminado ang coach na kahit suportado sila at nakaalalay ang iba’t ibang sponsor ay hindi pa rin maiiwasang dumanas ng aberya, gayunma’y ‘di aniya rason ito para basta na lang talikuran ang laro.

“Siyempre gusto naming mag-gold [sa Mobile Legends 30th SEAG] kaya kahit medyo nag-lalag kami or medyo nawawalan ng internet, go pa rin kami at hahanap kami ng way para mag-practice lang,” panapos niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?