415

By

Bading nag-propose sa dyowang tomboy sa ‘Eat Bulaga’

Na-touch ang karamihan sa audience pati na host na si Vic Sotto sa pagpo-propose ng isang bading sa partner niyang tomboy na kapwa guest sa BOOM! segment ng “Eat Bulaga” kanina (Pebrero 9).

Guests din sa naturang episode ang Gutierrez family na sina Raymond, Lorin at Venice.

Kabilang sina Jonathan (Karla) at Mary Ann (Emman) sa mga beki at tomboy na inimbitahang pagpipilian ni Raymond kung sino ang totoong magdyowa sa tunay na buhay.

Matapos nito ay nakiusap si Jonathan ng kaunting oras para magpasalamat at mag-propose kay Mary Ann na limang taon na niyang karelasyon.

Lumuhod ito kay Mary Ann at nag-propose na ikinakilig ng lahat.

Ayon kay Jonathan, six weeks pregnant na umano ang dyowa niyang tomboy.

Panoorin dito ang nakakakilig na proposal:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?