78

By

Baculin, Davao Oriental niyanig ng 5.1 magnitude na lindol

Isang magnitude 5.1 na lindol ang naitala sa Baculin, Davao Oriental nitong Sabado ng gabi.

Batay sa inisyal na ulat, alas-9:02 ng gabi naramdaman ang pagyanig.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 025 kilometro silangan ng Baculin.

Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang aftershocks matapos ang lindol.

Sa kabila naman na naramdaman umano ito ng marami ay walang inaasahang pinsala nito ang Phivolcs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?