39
Bacolod City magsasagawa ng El Niño contingency plan
By

Bacolod City magsasagawa ng El Niño contingency plan

Magsasagawa ng El Niño contingency plan ang pamahalaang Lungsod ng Bacolod upang mapagdiskusyunan ang mga isyu kaugnay ng matinding init na dulot ng phenomenon.

Nag-isyu ng executive order si Mayor Evelio Leonardia na bubuo ng Task Force El Niño na pangungunahan niya bilang chairperson.

Sa kopya ng executive order na ibinigay sa mga reporter nitong Lunes (Abril 15), sinabi ni Leonardia na mayroong pangangailangan sa pagbuo ng task force upang mas maging maayos ang inter-agency coordination sa paggawa at pag-iimplementa ng mga batas na magpapagaan sa epekto ng El Niño mula Marso hanggang Agosto.

“A coordinated effort must be undertaken to prepare for the El Niño to minimize its adverse effects on our people,” saad ng alkalde.

Ayon kay Executive Assistant Jose Maria Vargas, cluster head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), magsusumite sila ng plano at rekomendasyon sa alkalde sa susunod na linggo.

Kabilang sa mga miyembro ng Task Force El Niño ay sina Goldwyn Nifras ng City Agriculture Office, Maximino Sillo ng City Environment and Natural Resources Office, Dondon Parandas ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Dr. Carmela Gensoli ng City Health Office, Jose Taniongon ng Central Negros Electric Cooperative, at Juliana Carbon ng Bacolod City Water District.

Kabilang sa contingency plan ay ang mapagdiskusyunan ang kakulangan sa suplay ng tubig, mabawasan ang pinsala sa mga pananim, at maiwasan na magkaroon ng mga sakit na may kaugnayan sa matinding init.

Nagbigay utos na si Leonardia sa body na siguruhin ang epektibo at napapanahong implementasyon ng mga plano at regular na i-monitor ang implementasyon nito.

Trabaho rin nilang magsagawa ng massive information campaign upang i-educate ang publiko tungkol sa El Niño at ano ang mga kailangang gawin upang maiwasan ang inaasahang adverse impact nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?