37

By

Back pain balewala kay Batiller

‘Di lumamya ang laro ni Edson ‘Bonbon’ Batiller sa kabila na may iniinda sa likod sa eliminations pa lang para sa Letran Knights na pinasibat ang San Sebastian Stags 85-80 sa unang stepladder semifinals ng 95th NCAA men’s basketball tournament 2019 Martes.

Naging malaking puntos para sa kanya ang dalawang linggong preparasyon bago sumabak sa bakbakan. Naipahinga rin niya ang dinaramdam patungo sa importanteng rambol ng third seed CSJL sa no. 4 Baste.

“Para sa amin sobrang laking tulong nung 2 weeks preparation kasi lalo sa akin marami akong nararamdaman na sakit-sakit din [back pain],” pahayag ni Batiller na nagbaon ng mahalagang 14 points.

“Medyo okay yung preparation namin ngayon, nakabalik ako sa 100% ko. Medyo meron pang sakit pero okay pa rin yun sa akin kasi nabawasan yung sakit sa katawan ko.”

Tiniyak ng former UE guard na patuloy siyang magpapakita ng magandang performance lalo na sa stepladders 2 laban sa second seed Lyceum Pirates Biyernes.

“Masakit eh. Di ko alam matagal na itong masakit e. Pero okay lang hindi naman reason ito para bumamawo o umangat yung laro ko,” panapos ni Bonbon. “Pagdating sa loob ng court wala ng problema, 100% ako kapag pumasok sa court.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?