942

By

Baby Ziggy kasama na sa family photo ng Team Dantes

Napakagandang pamilya!

Iyan ang nasabi ng mga follower nina Dingdong Dantes at Marian Rivera matapos ibahagi ng dalawa ang first official family photos nila kasama ang bagong bundle of joy nilang si Baby Ziggy.

Sa Instagram post ni Marian, makikitang pare-pareho ng damit ang pamilya ni Dingdong habang karga ni Marian ang natutulog na si Baby Ziggy.

“Salamat Ama, for my greatest gifts!” sabi ni Marian sa caption.

Sa post naman ni Dong, magkaharap ang mga mukha nila ni Marian habang karga ni Dingdong si Baby Ziggy at nakatingin naman si Zia sa kaniyang kapatid.

“A realized dream— all because of you, @marianrivera. Happy Mother’s Day to this little family’s SuperMom,” sabi ni Dingdong sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?