88

May 18, 2020 @ 22:15
By

Baby sa loob ng tiyan ni Coleen, nag-react sa kanta ni Billy

Marami ang nakyutan sa pagkanta ni Billy Crawford sa kanilang baby ni Coleen Garcia.

Kapwa naka-post sa Instagram account ng mag-asawa ang video kung saan inaawitan ni Billy ng “Don’t Worry Be Happy” ang baby na nasa sinapupunan pa ni Coleen.

“#BabyCrawford, Mommy & Daddy loves you so much and understand that you’ve been in quarantine longer than we have. #23Weeks #Don’tWorryBeHappyNow,” caption ni Billy.

Natuwa ang mga follower ng mag-asawa dahil gumagalaw sa loob ng tiyan ang sanggol habang kinakantahan ng kanyang daddy.

Aileenmontinola: “Omg gumagalaw.. naalala ko nung buntis ako.. pag nilapit konung pusa ko sa tyan ko galaw xa ng galaw..”

Therachelmae: “Wow Ang cute Lil singer like papa nya @billycrawford congrats po.”

Smileiswonderful: “gumagalaw po c bb… so cute.”

bluey_theyorkie: “so precious…gumagalaw.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?